December 25, 2024

JAKE PAUL, GUSTO NANG MAGLARO NG FOOTBALL, MAGRERETIRO NA SA BOXING

Balak ni YouTube sensation Jake Paul, 25, na sumalang sa NFL at iiwanan na ang boxing. Nagsimulang tumuntong si Paul sa boxing scene sa nakalipas na 2 taon.


Kung saan, mayroon siyang record na 5-0. Bukod pa ang kanyang mga boxing exhibition match. Kabilang nga sa nakalaban niya ay si Floyd Mayweather Jr.

Nasa listahan naman ng kanyang mga biktima si ex-UFC welterweight champ Tyron Woodley via KO. Nais ni Paul na makalaro sa American Football. Ang targt niya ng position kung sakali ay ‘wide receiver’.

Stephen, I can run a 4.5-second 40-yard dash,“aniya sa panayam ni Stephen A. Smith ng ESPN.
“You don’t think the Browns would draft me? Come on now, I can play Free Safety!”

If you get me some of those sticky Nike gloves, I’ll be up in there scoring touchdowns. You’ll see me on SportsCenter highlight reels,” aniya.