Umalalay si Jaja Santiago sa panalo ng Saitama Ageo Medics sa Japan V. League Division Women’s tournament sa Saga Sunrise Park General Gymnasium.
Nakabawi si Jaja mula sa one point performance laban sa Denso Three Seagulls, 24-26, 25-21, 25-22 at 25-20 sa second round. Dahilan upang makabawi siya para sa team.
Nagtapos si Jaja ng 11 points mula sa 10 attacks kasama ang 1 block. Tumagal ang laban ng 1 oras at 56 minuto.
Nagtala naman ng 35 markers si Shainah Joseph sa Saitama. Naglaro ito noon sa PSL sa Sta Lucia Lady Realtors.
Nagtala naman ng consistent two digit scorers sina Yuri Yoshino at Mami Uchiseto. Umiskor ng 17 points ang una at 14 naman ang huli.
Nakuha ng Ageo Medics 6-6 win-loss at ikalima sa standings. Ang Okayama naman ang 7-5.Susunod na makahaharap ng Saitama ang Hisamitsu Springs bukas ng alas 11:00 ng umaga.
More Stories
Pinay Lawyer, Pasok sa Top 200 World Rankings sa Padel
Mayor Dante Esteban Cup 2025… SEALIONS PAPASIKLAB SA CALINTAAN, MINDORO OCC.
Mandaluyong Invitational tourney… ‘MIGHTY 9’ NG GSF RAVEN TANAY SIKARAN