
Malaki ang maitutulong ni Jaja Santiago sa national team. Mismong ang Philippine National Volleyball Federation ang nagsabi nito.
Sakaling maikasa ang naturalization nito bilang Japanese citizen, malaki ang impact nito sa national.
Mawawalan aniya ng malakas na blocker at malaking volleybelle ang women’s pool sa hinaharap.
“Jaja, during the tryouts, kind of discussed with me the possibility for her to play in Japan, to change her federation,” ani president Tats Suzara.
Makapaglalaro bilang local si Jaja Santiago sa Japan V. League. Qualified rin siyang maglaro sa Japan’s national team. Na nasa ranked No.7 sa mundo.
Pero, hindi ito madali kay Santiago.Kailangang makakuha muna siya ng Japanese citizenship. Isa pa, dapat makapanirahan muna siya sa Japan sa loob ng 2 taon.
Kung ito nga ang mangyayari, naiintindihan ng PNVF ang sitwasyon. Susuportahan pa rin ng pederasyon ang rekwest ni Jaja tungkol sa citizenship nito.
“The Philippine National Volleyball Federation has to approve first her change of federation of origin going to the Japan Volleyball Association.”
“And once the Japan Volleyball Association needs to process that, it needs FIVB approval,” ani Suzara.
“The federation will support Santiago if her request to change citizenship arises, though,” aniya.
More Stories
UAAP: ATENEO TINALO ANG DATING UNDEFEATED NA UP MAROONS
Pinoy vs Mexicano-Pinoy vs Nigerian… DOUBLEHEADER SA PHL ENCUENTRO C’SHIP SA MAKATI CITY
Del Rosario muling nagwagi ng korona sa WNCAA taekwondo