December 24, 2024

Jaja Santiago, maglalarong muli bilang import sa Japan V.Premier League

Inaasahang tutulak patungong Japan ngayong linggo si volleybelle Jaja Santiago. Maglalaro kasi siya sa Japan V.Premier League 2020-2021 season sa Oktubre.

Kakamada ng service sa tagpong ito si Ageo Medics Jaja Santiago kontra sa Denso Airybees ng Japan V.Premier League. (File Photo/Volleyverse)

Kinumpirma ng 6’6 volleybelle ang tungkol dito sa kanyang Instagram account.

Pinapakita rin sa mga posts niyang pictures sa Instagram ang pag-aayos niya ng gamit.

Kinuha kasing muli bilang import ng Ageo Medics ang dating NU Lady Bulldogs star. Pumirma uli ng kontrata sa Ageo Medics bilang middle blocker ng team.

I would like to announce na I renewed my contract with Ageo Medics,” aniya.

Ang pagsalang ni Jaja bilang import ay ikatlong beses na niya sa Japanese volleyball league. Sa una niyang salang noong 2018, nagtapos ang Medics sa 7th place.

https://www.youtube.com/watch?v=Qc_NSAwpkLY

Sa kanyang second year sa team, malaki ang inambag ni Jaja sa paglambat ng bronze medal sa V. Premier League.

Tungkol naman sa kanyang paglalaro sa PSL, sinabi nito na maglalaro siya. Ito ay kapag bumalik na lahat sa normal.

 “I promise naman na pagbalik ko rito next year. Hopefully maging normal na lahat bumalik na ‘yung mga work ng mga nawalan ng trabaho,” aniya.