Maglalaro si Jaja Santiago sa national team para sa pagsabak nito sa 21st Asian Seniors Women’s Championship.
Sinabi ng team manager ng Chery Tiggo na si Ronwald Dimaculangan na nagbago ang isip ng volleybelle. Aniya, magco-commit muna ito sa national team bago tumulak sa Japan.
Maglalarong muli si Jaja sa Ageo Medics sa V. Premier League.
” Yung puso niya, para sa national team muna bago pumunta sa Japan para maglaro,’ saad ni Dimaculangan.
Ayon namaan sa 6-foot-5 volleybelle, kailangang magpakita ang imports sa Saitama ng 1 o 2 buwan. Ito’y kahit hindi pa magsisimula ang V. Premier League hanggang October.
“Required po kasi sa amin. Para po mas maraming oras kami para mag jeel saka madevelop ang cohesiveness sa teammates namin,” ani Jaja.
“Tiningnan ko yung sked, sabi ko, baka makalaro ako. Kasi, parang aabot pa naman ako para sa Saitama. Para makalaro po ako sa team natin,” aniya.
Noong una, sinabi ni Jaja na baka ma-miss niya ang pagsabak sa Asian Seniors na idaraos sa bansa. Na nakatakdang idaos sa August 29 hanggang September 5 sa bubble setup sa Clark.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!