December 23, 2024

JAJA SANTIAGO, GUSTONG MAKALARO SA OLYMPICS, SUPORTADO NG PAMILYA KUNG SAKALING MAGPALIT NG NATIONALITY

Pangarap ni Pinay volleybelle Jaja Santiago na makalaro sa Olympics. Magkakaroon lamang ito ng katuparan kung tatanggapin niya ang isang nakatutuksong proposal. Ang magpalit ng nationality.

Kamakailan ay ibinunyag ng 6-foot-5 middle blocker na inalok siya ng kanilang Brazilian coach sa Saitama Ageo Medics.

Na kung gusto niyang makatuntong sa Olympics, kailangan niyang magpalit ng nasyunalidad.Dahil tiyak aniyang makalalaro siya sa national team ng Japan.

Ngunit, nais din niyang makapalaot ang Pilipinas sa Olympics. AT gusto niyang kasama siya sa national team.

Alin daw baa ng pipiliin niya? Ang katawanin ang bansa o kagatin ang tiyak na pasaporte para sa kanyag Olympic goal.

Kung ako ang magdedesisyon para sa sarili ko, mahihirapan talaga ako.”

“Una may pride ako as a Filipino and gusto ko maglaro at tulungan ang bansa ko na kung ano ang level na meron sila sa Japan, gusto ko siyempre ang bansa natin makamit din ang meron sila,” ani Jaja sa  CNN Philippines.

“Pero half of me, bakit hindi? Bakit hindi ko i-grab? Kasi nga pangarap ko mag-Olympics, gusto ko maglaro doon and Japan ay nandoon na sila. Hindi siya ganun kahirap tuparin,” aniya.

Ayon pa kay Jaja, sinabi ng pamilya niya na sundin ang kanyang nararamdaman. Suportado ng mga ito ang kanyang magiging desisyon.

Sabi ng family ko, ‘Sundin mo ano ang nararamdaman mo. Kung tingin mo may pag-asa pa ang volleyball natin dito sa Pilipinas, mag-stay ka.”

“Pero kung wala talaga, grab the opportunity kasi hindi lang naman ikaw ang nirerepresent mo sa paglalaro mo kung magpapalit ka ng nationality sa Japan. Hindi lang ikaw, Pilipino ka pa rin, dala mo pa rin ang flag natin,” dagdag pa ni Jaja.