
Nakaresbak si Jaja Santiago at Saitama Ageo Medics laban sa Hisamitsu Springs sa four-setter game, sa 2021-22 Japan V. League. Dinispatsa ng Ageo ang huli sa iskor 25-27, 25-21, 25-15 at 25-22 sa women’s tournament sa Panasonic Arena sa Osaka.
Bumira ang 6-foot-5 Pinay volleybelle ng 11 points kasama na ang 3 blocks. Nanguna naman sa Saitama ang Brazilian import na si Lorenne Teixeira. Nagtala ito ng 26 points sa 23 attacks. Gayundin ng 2 service aces at block.
Matapos mabigo sa unang set sa Spring, 27-25, rumatsada na ang Saitama. Mula rito, kinuha na nito ang 2nd hanggang 4th set.
More Stories
COMELEC Ibinasura ang Disqualification Case Laban kay Atty. Ian Sia
195 PAMILYANG MANILEÑO, NABIYAYAAN NG LUPA SA ILALIM NG PROGRAMA NI MAYOR HONEY LACUNA
Imee Marcos: “Collateral Damage” dahil sa apelyido (Matapos ‘di makapasok sa Magic 12)