
NAGULAT ang mga BarDa fans, sa biglaang pagpunta nina Barbie Forteza at David Licauco sa Hong Kong. Nakita sila ng mga fans sa NAIA na paalis na. Kasama nila ang handler at ang stylist ni David at isang photographer.
“Inilihim nga iyong pagpunta nila ng Hong Kong, para hindi maging isyu. Ang tanong tuloy ng mga fans ng dalawa ay kung may projects o show silang natanguan. Pero tikom ang kampo ng DarBa. Basta kanya-kanyang hula na lamang sila. “Iyong isyu naman sa kanilang dalawa, na madalas silang makitang sweet at holding hands kahit wala sa harap ng kamera. Sign na kaya iyon na may namumuo ng relasyon?” tanong ng aking source.
More Stories
Santo Papa nasa kritikal na kondisyon – Vatican
Kandidatong pro-China, ‘wag iboto – PCG spokesperson
Camille Villar sa Millennials: Panahon na para maging bahagi ng solusyon