
Sa kabila ng limited playing time ni Jack Animam, nagawa pa rin ng SPD Radnicki na pataubin ang Student sa iskor na 112-91 sa 2021-22 First Women’s Basketball League o Serbia season. Idinaos ang laro sa SC Cair sa Nis sa Serbia.
Sa kabila ng foul trouble, nakapagtala si Animam ng 10 points, 6 rebounds at 3 assists. Hindi na siya nakapaglaro sa final frame. Ito’y dahil sa hindi na kinakailangan dahil tambak na nila ang Student sa iskor na 92-66.
Dahil sa panalo, napaigi ng Radnicki ang standing sa 4-3 at 6 seed sa liga. Ang Student naman ay bumulusok sa 1-6 record.
Susunod na makakaharap ng team ni Animam (NU Bulldogs basketress) ang Vrbas Medela (2-5) sa November 20.
More Stories
Philippine Encùentro Championship MMA… PINOY WASHIT WINASIWAS SI MEXICAN SANCHEZ
UAAP: ATENEO TINALO ANG DATING UNDEFEATED NA UP MAROONS
Pinoy vs Mexicano-Pinoy vs Nigerian… DOUBLEHEADER SA PHL ENCUENTRO C’SHIP SA MAKATI CITY