December 24, 2024

IVERMECTIN MALAPIT NANG ILAKO SA MERCURY DRUG

Inanunsiyo ng Mercury Drug na malapit nang ibenta ang Ivermectin tablet bilang reseta na gamot sandaling ma-clear ng mga awtoridad ang final product para sa commercial sale.

Ayon sa pinakamalaking drugstore chain sa bansa, inaprubahan kamakailan lang ng Food and Drug Administration ang Ivermectin bilang anti-nemotodal o deworment. Ang naturang gamot, na iginigiit ng ilang politiko na lunas sa COVID, ay ginagamit sa pagtanggal ng kuto at bulate sa tao at hayop.

“We are awaiting for the final product to be available for commercial sale. Rest assured Ivermectin will soon be available at Mercury Drug stores nationwide,” ayon sa advisory.

Hindi suportado ng ginawang pag-aaral ng iba’t ibang bansa na epektibo ang Ivermectin laban sa COVID-19 at may babala rin ang health officials sa publiko laban sa paggamit nito para panggamot sa viral disease.

Noong nakaraang Abril, binigyan ng FDA ang anim na ospital ng compassionate use permits sa paggamit ng Ivermectin sa COVID-positive patients.