Pinamamadali na ni Agriculture Sec. William Dar ang pananaliksik ukol sa Ivermectin, para magamit sa mga baboy na apektado ng African Swine Fever (ASF).
Ayon sa opisyal, ipaubaya muna sana sa mga eksperto ang pag-aaral hinggil dito at huwag magkusa ng pagtuturok sa mga alaga.
Sinabi pa ni Dar na animal grade ang kanilang ipapagamit sa mga babuyan, lalo’t ang tanging pinapayagan ng Food and Drug Administration (FDA) na maibenta sa Pilipinas ay ang variant na pamahid sa balat, kung tao ang gagamit. Pero may ilan nang nagsusulong sa paggamit ng Ivermectin, kasama na ang ilang mambabatas, ngunit iginigiit ng FDA na wala itong pahintulot mula sa kanilang opisina.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY