Lumiliit ang mga itlog ng manok sa Negros Occidental dahil sa matinding init at kahit ang presyo nito ay apektado rin, ayon kay Provincial Veterinarian Placeda Lemana.
“Wala ng jumbo eggs na mabibili sa mga pamilihan sa lalawigan ngayon dahil sa El Niño phenomenon,” aniya.
Ang pinakamalaking itlog na mabibili ng mga mamimili sa lokal na pamilihan ay kasalukuyang medium-sized, na naglalaro sa P6 hanggang P8.25 ang presyo, lumalabas sa datos ng Department of Agriculture (DA) Bantay Presyo.
Ayon kay Lemana nagsisimula na ang masamang epekto ng mataas na temperatura sa P8 bilyon na poultry industry sa Negros Occidental, lalawigan na nagpo-produce ng average na 1.2 milyon itlog bawat araw.
More Stories
Loteyro ang da best sa Samahang Plaridel golfest
P1.7-M SHABU NAKUMPISKA SA 3 HVI SA CAVITE
P374K shabu, nakumpiska sa HVI drug suspect sa Valenzuela