January 23, 2025

ISULONG ANG PAGGAMIT NG RENEWABLE ENERGY

NANAWAGAN ang Agila ng Bayan na patuloy na isulong ang paggamit ng renewable energy sources sa bansa.

Ito’y dahil sa paglaki sa singil ng kuryente sa mga consumer sa gitna ng COVID-19 pandemic dulot na rin ng pananatili ng bawat miyembro ng pamilya dahil sa pag-iral ng community quarantine.

ANO ang “renewable energy”? Ito ang enerhiya mula sa araw, tubig o hydroelectric, hangin at geotherrmal o ang init na nagmumula sa ilalim ng lupa. Kaya rene­wable ay dahil hindi ito basta-basta nauubos, at kung tutuusin, libre. Libre ang sinag ng araw, libre ang ulan, libre ang hangin at libre rin ang init mula sa ilalim ng lupa. Hindi tulad ng enerhiya mula sa langis, karbon o uling, at natural gas na maaaring maubos sa dara­ting na panahon. Kapag naubos, wala nang panggaga­lingan.


Nanawagan din ang Agila ng Bayan na kalakip ng pangangalaga sa kalikasan ay ang pagtitipid sa mga kinokunsumo nating kuryente at tubig.

Makatutulong rin ang pagbabawas sa paggamit ng mga sasakyan upang mabawasan ang carbon footprint na naksasama sa kalikasan at kalusugan ng tao.

Dagdag din ng Agila ng Bayan na ang paggamit ng solar panel ay isang paraan upang makatipid sa kuryente at hindi na umasa pa sa mga nakapamiminsalang pinagkukunan ng enerhiya tulad na lamang ng coal.

Malaking tulong ang renewable energy, bukod sa libre na, wala pang polusyon. Sino ang may ayaw niyan?