December 24, 2024

ISO CERTIFICATE ABOT KAMAY NA NG BOC DAVAO’S SUB-PORT SA DADIANGAS

SUMAILALIM ang Port of Davao’s Sub-port of Dadiangas sa ikalawa at huling yugto ng External Quality Audit noong Setyembre 21 ng external certifying body nito na Tüv-Süd, kung saan nasa rekomendasyon na para sa fully certification ng ISO 9001:2015 ang nasabing Port.

Sa process audit, ini-assess at ni-review ng auditors mula sa Tüv-Süd, isang leading certification body, ang aktwal na proseso na nakatala sa ilalim ng Quality Management System (QMS) ng Sub-port.

Samantala, tiniyak ni Orlando Orlino, Port Collector, ng Sub-port of Dadiangas na ang lahat audit findings ay magko-comply sa itinakdang panahon na ibinigay ng External Auditors. Higit pa rito, ipinahayag ni Port Collector Orlino ang kanyang suporta para sa Quality Management Unit (POD-QMU) ng Port of Davao sa paggabay sa kanilang ISO Team habang naghahangad itong maging 2nd ISO Certified Sub-port sa Mindanao.

Layunin ni District Collector Atty. Erastus Sandino B. Austria, CESO V, sa pamamagitan ng continues innovation ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz, na palakasin ang momentum sa pagtupad at pag-ambag sa iba’t ibang transformation efforts ng BOC na naayon sa pamantayan ng ISO 9001:2015.

Nakatuon ang lahat Ang lahat ng ito sa pagbibigay ng pinakamataas na antas ng serbisyo para sa mga stakeholder nito.