January 23, 2025

ISKO SUMUKO NA KAY BONGBONG (Nanawagan ng pagkakaisa)

TANGGAP ni Aksyon Demokratiko standard bearer Isko Moreno Domagoso ang kanyang pagkatalo kay Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa 2022 presidential race.

“Mayroon na pong pinili ang bawat Pilipino. Nais kong batiin si dating Sen. Bongbong Marcos. Binabati ko ang pamilya ni dating Sen. Marcos sa pagpili sa kaniya ng higit na nakararami bilang hahalinhin na pangulo ng ating bansa,” Domagoso said Tuesday, as partial, unofficial results showed Marcos winning the race.

Base sa partial, unofficial results na pinagsama-sama mula sa datos ng Comelec nitong Mayo 10, 2022, 3:02 PM at mula sa 97.8 elections returns, nakakuha si Marcos ng 30,975,596.

Nanawagan si Domagoso, na ika-apat sa puwesto na may 1,879,335 na boto, na suportahan ang nanalo sa eleksyon.

“Hindi magtatagumpay si President-elect Bongbong Marcos at VP-elect Sara Duterte… kung tayong mga mamamayan ay hindi magkakaisa… Let us support the new leadership. Let us congratulate them and let us do our part as citizens,”  saad ni Domagoso.

“Tayong mga mamamayan ay may responsibilidad na makiisa sa administrasyon… wag tayo makibahagi sa mga alingasngas o gulo… Para magtagumpay ang ating bansa, kailangan tayo ay nagkakaisa,” dagdag niya.