NAPAULAT na nawalan na ng panlasa at pang-amoy si Manila Mayor Isko Moreno dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19), ayon sa opisyal ng Sta. Ana Hospital kung saan siya naka-confine.
“Our Honorable Mayor, on his 5th hospital day, has reported loss of smell and taste which is part of the Covid-19 disease spectrum,” saad ni Dr. Grace Padilla, OIC hospital director, sa isang medical bulletin.
Mayroon rin siyang bahagyang pananakit ng katawan na nasa Grade 2/10 na lamang buhat sa dating 4/10. Hindi na siya uminom ng pain reliever sa buong maghapon, ayon kay Padilla.
Sa kabila nito, nananatili naman na maayos ang pag-kain ng alkalde, kumportable pa rin at maayos na nakapagpapahinga. Agosto 15 nang magpositibo si Moreno sa COVID-19.
Samantala, nakalabas na ng nasabing ospital nitong Huwebes si Manila Vice Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan nang matapos nito ang 12 araw na gamutan makaraang mauna itong tamaan ng nakamamatay na sakit.
More Stories
FIESTA HARAYA 2024 NG DTI SA MARINDUQUE MATAGUMPAY NA NAIDAOS
IWAS HOUSE ARREST: ROQUE NAGPUNTA SA UAE
BENTAHAN NG ILLEGAL VAPES SA ONLINE SHOPPING APPS, TALAMAK