
Tuloy pa rin ang trabaho ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila kahit pa nagpositibo sa COVID-19 ang kanilang alkalde.
Pagtitiyak ito mismo ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso matapos siyang isinugod sa Sta. Ana Hospital bandang alas-6:48 kagabi.
Ayon sa alkalde, nakaramdam siya ng kaunting ubo at sipon, bukod pa sa pananakit ng kanyang katawan.
Pero sa kabila ng kanyang sinapit, tuloy pa rinn aniya ang operations ng city government laban sa COVID-19 pandemic.
Noong nakaraang linggo lang, nagpositibo rin sa COVID-19 si Manila Vice Mayor Honey Lacuna.
More Stories
PCCI sa Bagong Kongreso: Itulak ang Reporma Para sa Mas Malakas na Ekonomiya
PTFOMS naalarma sa panggigipit sa media sa 2025 mid-term elections
EcoWaste Coalition Nanguna sa Post-Election Clean-Up