Nangunguna sina Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso at Sen. Emmanuel “Manny” Pacquiao sa social media’s most influential list ng mga posibleng kumandidato para sa president at vice president sa 2022 elections.
Ayon sa pag-aaral, nakatanggap si Domagoso ng overall social media influence ng 39 percent, habang si Pacquiao ay nakaiskor ng 37 percent. Ayon sa WR Numero, napakaaktibo ng personal na Facebook pages ng dalawang personalidad at regular na pinag-uusapan sa mainstream at alternative media.
Samantala, kabilang sa hindi maimapluwensiya si dating senator Antonio “Sonny” Trillanes na may iskor na -6.69 percent, dahil sa patuloy na pagtanggap ng mga negatibong reaksyon mula sa mga netizen sa social media.
Para sa naman sa mga posibleng tumakbong senador sa 2022, pinaka-maimpluwensya si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar na may 34 percent, na sinundan nina Sen. Ana Theresia “Risa” Hontiveros na may 15 percent at Congressman Alan Peter Cayetano na may 10.33 percent.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA