Tinanggihan ni Manila Mayor at presidential candidate Isko Moreno ang ibang kampo upang pag-usapan ang kanyang pag-atras at suportahan si Vice President Leni Robredo.
“I don’t do backdoor sa isang hostile na opponent,” ayon kay Moreno.
Para sa 47-anyos na presidential bet, ang pagtulong sa kampo ni Robredo ay malayong mangyari dahil sa paraan ng pakikitungo sa kanya ng kanyang mga tagasuporta at sa kanyang kampanya.
“You know for a fact that they’ve been attacking us in their GCs (group chats). Meron pa sila ano – ‘May 1, May 1! Ano yan, susuko na yan tapos i-aappoint yan na DILG,” dagdag niya.
Iginiit niya na magreretiro na siya kung matatalo sa 2022 elections.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA