November 5, 2024

‘ISANG’ PUMASOK NA SA PH – PAGASA

Transparent umbrella under rain against water drops splash background. Rainy weather concept.

Nasa loob na ng Philippine area of responsibility (PAR) ang binabantayang bagyo sa Pacific Ocean.

Ayon sa Pagasa, nasa tropical depression category pa lang ito o isang mahinang bagyo.

Gayunman, maaari itong makahatak ng hanging habagat na maghahatid ng ulan sa ilang bahagi ng ating bansa.

Binigyan ito ng local name na “Isang,” bilang ika-siyam na sama ng panahon sa Pilipinas ngayong 2021.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,410 km sa silangan ng Northern Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 45 kph malapit sa gitna at may pagbugsong 55 kph.

Kumikilos ang TD Isang nang pahilagang kanluran, sa bilis na 25 kph.

Sa ngayon, malabo umano itong mag-landfall sa alinmang parte ng ating bansa.