November 24, 2024

ISANG GOOD SAMARITAN STORY SA TOKYO OLYMPICS

Kung ‘di dahil sa kabaitan ng babaeng si Trijana Stojkovic, hindi masusungkit ni Jamaican hurdler Hansle Parchment ang gold medal sa Tokyo Olympics. Noong sasabak na siya sa semifinals race, nawala si Hansle sa Tokyo dahil sa maling nasakyan bus.

Para makaabot sa torneo, binayaran ni Stojkovic ang pamasahe nito sa taksi. Matapos magwagi ng gold medal, hinanap ni Hansle ang babae upang makagantio ng utang na loob dahil naging bahagi ito ng pagkamit niya ng gold medal.

Ikinatuwa ng Jamaican government ang kabutihan ni Stojkovic. Kung kaya,m ipinatawag siya para sa isang courtesy call. Sagot na ng gobyerno ang gastusin upang kilalanin ang kanyang kabaitan kay Hansle.