November 3, 2024

Isaalang-alang ang kaligtasan sa kalusugan ngayong holiday season

Magandang araw mga Cabalen. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan.

Batid natin na kapag holiday season, hindi magkanda-ugaga ang ating mga kababayan sa pamimili.Gayundin ng pamamasyal.

Bagama’t hinagupit tayo ng pandemya, waring hindi ito naging handlang upang mamili ang ating mga kababayan sa mga tiangge. Kahit papaano kasi’y may naitatabi pang halaga ang iba para sa Pasko.

Sa gayun ay may bagong gamit o damit sa Pasko. May ipamimigay sa mga mahal sa buhay, kaanak. Siyempre, kamot ulo sina ninong at ninang.

Gayunman, nag-aalala ang mga kinauukulan sa pagdagsa ng tao sa mga tiangge, pamilihan at mga malls.

Kapag kasi ganito, siksikan. Pero, di naman pwedeng bawalan ang ating mga kababayan na mamili.

Sa gayung senaryo kasi, pumalo ang kaso ng COVID-19 ngayong magpa-Pasko. Kaya, medyo kumilos ang knauukulan kahit na maluwag na ang sitwasyon. Ito’y bilang pagbibigay na rin ng konsiderasyon.

Gayun ang senaryo sa ilang pook sa bansa. Partikular sa Baguio City, Davao, Quezon City at Makati. Isama pa ang Maynila. Sa Baguio, nilimitahan ang pagdagda ng tao sa night market.

Peligroso nga naman kasi kapag makapal ang tao. May posibilidad na pumalo uli ang virus. Kaya, paalala ng kinauukulan na isaalang-alang ang social distancing.

Sa gayun aymanatiling ligtas at hindi madapuan ng sakit, lalo na ang COVID-19.  Payo natin sa ating mga kababayan, mag-ingat sa pamimili.

Bukod sa aspektong panmgjkalusugan, maging alerto sa mga naglipanang masasamang-loob. Na sinasamantala ang sitwasyon para magawa ang kanilang modus.

Lalo na sa mga mandurukot, budol-budol, snatcher at iba pa. Kaya ako, ikaw, tayo… mga Cabalen, mag-ingat.