Nasa kostudiya na ng Bureau of Corrections ang ika-4 na akusado sa kasong illegal detention na isinampa sa korte ng aktor na si Vhong Navarro.
Si Ferdinand Guerrero, ay sumuko sa National Bureau of Investigation kagabi ilang linggo matapos gawaran ng parusa ng mababang hukuman at kaninang umaga ay hinatid ng NBI sa BuCor.
Si Guerrero, kasama ang negosyanteng si Cedric Lee, mixed martial arts practitioner Simeon Raz at model na si Deniece Cornejo ay hinatulan ng life imprisonment ng Taguig Regional Trial Court Branch 153 noong May 2 dahil sa kasong illegal detention.
Ayon kay BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr., bilang bagong dating na bilanggo, si Guerrero sasailalim sa inisyal na interbyu at check up sa Reception and Diagnostic Center ng New Bilibid Prison.
Ilalagay din siya sa limang araw na quarantine kung saan hindi siya maaaring bisitahin, sasailalim din si Guerrero sa diagnostic procedure gaya ng medical, sociological, psychological, educational and classification process sa loob ng 55 bago siya ihalo sa iba pang bilanggo sa correction facility.
Sa pagtungo sa BuCor, sinamahan si Guerrero ng kanyang mga abogado sa pangunguna ni Atty. Alex Avisado.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA