June 24, 2024

IPPC BASEBALL ANG TEAM TO BEAT SA LBP TINGZON CUP

IPPC Hawks ni Kunifumi Itakura ready na sa LBP Tingzon Cup. (Kuha ni Menchie Salazar)

ISANG solidong koponang kampeon ang kalibre ang binuo ni Japanese national based in the Philippines na si businessman/ sportsman Kunifumi Itakura, ang team owner ng IPPC (Itakura Parts Philippines Corporation -Laguna) na kalahok sa hahataw na 1st Liga Baseball Philippines (LBP) Tingzon Cup sa Linggo, Mayo 26 sa makasaysayang  Rizal Memorial Baseball Stadium.

Si Itakura na longtime baseball consultant sa bansa ay optimistiko sa kanyang mga bata, batikan at beteranong line-up na gagawa ng kasaysayan sa larangan ng baseball sa bansa bilang unang koponang mamamayagpag na kampeon sa kauna- unahang commercial league na LBP.

“Last year we participated in a local baseball tournament, we came short of victory. This year 2024, with our revitalized line up, I have a strong feeling we will win the LBP championship,” wika ni Itakura sa pamamagitan ng kanyang interpreter na si Iris Magpantay.

   Binubuo ng champion caliber team IPPC Hawks nina Nico Alig, Ram Alipio, Mark John Philip Beronilla, Kirk Bigcas, Erwin Bosito, Clarence Lyle Caasalan, Carlo Conge, Alfredo de Guzman III, Christian Paul de Leon,Earl Ryan del Socorro, Darwin dela Calzada,Kenneth de los Santos,John Martin Flores, Jerome Florida, Christian Galedo, Jarius Inobio, Ferdinand Liguayan, Kean Matanguihan, Miguel Olmos, John Mark Tupig, Saxon Omandac, Severino Joao, Jonard Pareja, Diemar Sacote, Kier Plaza at Rommel Roja.

  Si Orlando Binarao ang head coach at assistant si Dela Calzada sa timon ni Itakura.

Ang LBP Tingzon Cup ay itinatag ng mga respektableng  businessmen at sportsmen sa pangunguna ni Chairman Wopsy Zamora, President Pepe Munoz , Executive Director Boy Tingzon na todo-suporta naman ng Philippine Baseball Association  sa pamumuno ni President Chito Loyzaga. (DANNY SIMON)