Kawawa naman talaga tayong mga Pinoy. Ipit na ipit na tayo sa mga pulitikong walang inisip kundi ang kanilang mga sarili.
Patuloy tayong ginagamit ng mga taga-gobyerno para sa kanilang ambisyon at sariling kapakanan.
Ang pagbunyag sa isang malaking sindikato na di-umano’y minanduhan ng Malakanyang at mga kasapi ng kilusan sa loob mismo ng chief executive.
Ang pagbubunyag ng Senate Blue Ribbon Committee sa pamumuno ni Senator Richard Gordon sa malaking sindikato na may umuugnay kay Pangulong Duterte at Sen Bong Go ay malaking sampal sa sambayanang Pilipino.
Ang mafia na di umano mula sa Davao ang lumamamon sa sa bilyong pisong transaksiyon sa PS-DBM upang bilhin ang bilyong halaga ng mask at shield.
Sa dami ng mask at shield na ito dahil sa halaga na iginugol ng gobyerno, nabahaginan naman ba kalahati man lamang ng populasyon ng Pilipinas?
Lahat tayo binibili natin ang face mask at face shield. Kapag na-admit ka sa ospital o ano mang pagamutan, naka-charge sa yo ang lahat ng ginamit mo at ginamit ng doktor o nurse na tumingin sa yo.
Saan napunta ang bilyong halaga ng medical paraphernalias na ito, mga Cabalen? May deliveries ba o wala?
Bukod pa riyan, ang mga pondo na inutang ng gobyerno simula pa noong 2020 pinagpiyestahan din ng mga gahaman.
Naramdaman ba natin ang tulong ng pamahalaan? Marami ang nagdaranas ng gutom, mga may sakit na hindi naaabutan ng tulong, mga namatay na kadalasan ay biktima din ng pangraraket ng ospital, DOH at Philhealth!
Kahabag -habag talaga ang ating situwasyon, mga Cabalen. Hindi na rin natin kilala ang mga taong ating iniluklok. Sila ang unti-unting papatay sa atin.
Sa kabila ng kahirapan mga Cabalen, naiipit naman tayo sa pamumulitika ng mga trapo! Ang Malakanyang walang inaamin, bagkos ipinagtatanggol pa ang kanyang mga kaalyado, kabilang ang mafia na pumapalibot dito.
Sa halip na harapin ang akusasyon, naglunsad pa ng sariling imbestigasyon sa Malakanyang.
Dahil dito, lalong naguluhan ang taong bayan. Walang solusyon sa mga problema, sa halip panibagong pasanin dahil sa batuhan ng akusasyon.
Pinaiimbestiga ni Duterte ang Red Cross ni Gordon. Hindi dapat makiisa sa Senado. susmaryosep! Por delicadeza, mag-resign kaya kayo. Hindi pa ba kayo inuusig ng sarili ninyong konsensya?
Ang laban -bawi ba MECQ at GCQ, ngayon binigyang ng bagong regulasyon. Kawawa ang mga negosyante naubos na ang kanilang puhunan at bumagsak na ang komersiyo.
Ang mga Filipino ginawang guinea pig .
Matira matibay. Bahala na tayo sa buhay natin!
Ipit na ipit at gipit na gipit na ang Filipino! Sana makunsensiya ang mga pulitiko! Sana mag-isip ang mga bumoboto!
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA