January 22, 2025

“IPAGLABAN ANG  SARILING ATIN”

Ang West Philippine Sea ay hindi isang kathang-isip natin lamang. Ito ay atin. At ito ay mananatiling atin, hanggat nag-aalab ang diwa ng ating mahal na bansang Pilipinas. 

Bilang isang mamamayang Pilipino ating ipaglaban ang sariling atin, ating ibandera sa karagatan ang ating Watawat, huwag nating hayaang makuha nila ang ating teritoryo. Napaka importante na patuloy nating ipaglaban ang ating karapatan sa West Philippine Sea. Buhay at kinabukasan ng ating mga anak at mga magiging apu-apuhan ang nakasalalay sa mga hakbang natin sa kasalukuyan kung hindi tayo maninindigan, pwede itong  makaapekto sa Food Security ng bansa dahil sa patuloy na presensya at  panghaharass ng Chinese vessels kung saan nangingisda ang ating  mamamalakaya. Kung magpapatuloy ito uubusin nila ang mga isda at iba pang  yamang-dagat na dapat ay napupunta sa hapag-kainan ng ating mga  mangingisda at kanilang Pamilya. 

Muli West Philippine Sea ay atin, kaya ito’y ipaglaban natin Tulad ng  mga nauna sa atin na nakipaglaban para sa bansa, hindi dapat tayo  magpadala sa takot bagkus tayo’y magtulungan at makiisa, dapat tayong  makialam, bumoses at tumindig para sa kapayapaan at Kalayaan na ninanais  nating makamtam, sa pamamagitan ng pagsusulat ng mga artikulo at sa  pagbabahagi ng mga impormasyon sa sosyal medya ukol dito at upang mas  maunawaan ng ating kapwa Pilipino. 

IPAGLABAN ANG SARILING ATIN, ATIN ANG WEST PHILIPPINE SEA!