MAGSISIMULA na ang nasa 20 benepisyaryo ng Government Internship Program (GIP) ng kanilang trabaho sa June 15 sa Navotas City Hall.
Tinanggap ni Mayor Toby Tiangco ang mga GIP at ipinaalala sa kanila ang kakayahan ng serbisyo publiko.
“In government service, we are here not just to do our job. We are here to help ease the burden of the people we serve. Let us give the best service we could offer our fellow Navoteños,” pahayag niya.
Hinimok din ni Tiangco ang mga GIP na magrehistro at lumahok sa COVID-19 vaccination program.
“I urge you to get vaccinated so you will be protected from the disease as well as those whom you will encounter while working at the city hall,” aniya.
Nakatanggap ang Navotas nitong Miyerkules ng karagdagang 1,600 vials ng CoronaVac, na magagamit para sa una at pangalawang doses ng A1 hanggang A4 priority groups.
Naglaaan ang pamahalaang lungsod ng P1.4 milyon mula sa Gender and Development fund para sa internship program.
Kasama sa mga benepisyaryo ng GIP ang dalawang miyembro ng LGBT community at pitong solo parents kung saan magtatrabaho sila para sa pamahalaang lungsod ng anim na buwan at tatanggap ng P537 araw-araw na sahod.
More Stories
LEO FRANCIS MARCOS, INATRAS KANDIDATURA
Galvez sa MILF: Magsagawa ng imbestigasyon… 4 PATAY KABILANG ANG 2 SUNDALO, 12 IBA PA SUGATAN SA PANANAMBANG SA BASILAN
CIDG ‘KOLEKTONG ISYU’ MATULDUKAN NA KAYA?