December 25, 2024

INTERNATIONAL TRAVEL, TURISMO BALIK-SIGLA NA – BI

NANINIWALA si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco na bumalik na ang sigla ng international travel at turismo matapos ang nangyaring pandemya.

Ibinahagi ng BI Chief, nakapagtala ang ahensiya ng 12.6 milyon na arrivals mula Enero hanggang Disyembre 2023. Halos doble ang bilang mula sa 6.1 milyon na arrivals na naitala noong 2022.

Nangingibabaw sa listahan ng foreign arrivals ay ang mga South Korean na may 1,186,135 travelers, na sinundunan ng mga Amerikano na may 1,186, 135 million arrivals, at Chinese na may 417, 128 travelers.

Kasama rin sa nangunguna sa arrival list ay ang mga Japanese na may 358,534 arrivals, na sinundan ng mga Australian na may 302,177 inbound arrivals.

Pasok din sa listahan ang mga Canadian, Taiwanese, British, Indian at Malaysian.

Saad pa ng BI, nitong buwang ng Disyembre ang may pinakamalaking bilang ng arrivals, na may 1.36 milyon na travelers ang dumagsa sa Pilipinas.

“The figures we are seeing is a good sign.  It shows that revenge travel is real, and that international travel and tourism has regained its momentum after the worldwide lockdowns,” masayang pahayag ni Tansingco.

Inaasahan din niya na mas tataas pa ang bilang ngayong 2024, at inaasahan na 15 million ang bibisita sa bansa para sa taong ito.