Pormal nang binuksan ngayong araw ang 3.5 kilometrong Camalig Bypass Road na layong mapabilis ang biyahe sa parte ng Camalig mula Legazpi patungong Guinobatan, Albay.
Mula sa 15 minuto o halos isang oras na biyahe sa pagitan ng Salugan at Libod, iikli na lamang ito sa limang minuto at may kasama pang magandang tanawin para sa mga motorista dahil kitang-kita sa daan ang ipinagmamalaki ng rehiyon na Bulkang Mayon.
Pagkatapos ng pagbubukas ng Camalig Bypass Road ay pinangunahan naman ni Department of Public Works and Highways Secretary Mark Villar ang ground-breaking ceremony ng kauna-unahang International Cruise Port sa buong Bicol na itatayo sa Legazpi, Albay.
Kabilang din sa Build, Build, Build projects ng administrasyon ang konstruksyon ng Duterte highway na magdurugtong sa Daraga at Legazpi para sa mas mabilis na biyahe.
Bukod sa pagpapalakas ng turismo ay nagdulot din ng pagbubukas ng mga trabaho ang mga nasabing proyekto ng pamahalaan. Sa katunayan, mula sa 23 percent na poverty rate ng probinsya noong bago magsimula ang Build, Build, Build ay bumaba na ito sa 15 percent dulot ng mga naibigay na trabaho sa mga lokal ng probinsya.
More Stories
PNP SPOKESPERSON, REGIONAL DIRECTOR NA
DA: IMPORTED NA BIGAS HANGGANG P58/KG
UKRAINIAN MMA FIGHTER BAGSAK KAY DENICE ZAMBOANGA