November 5, 2024

INSPIRADO KAY TAEKWONDO CHAMP LIZARDO

SA kanyang murang edad, agad na naranasan ni John Paul Gaerlan Lizardo kung paano maging isang natatanging atleta sa kanyang napiling  larangan partikular ang pagiging kampeon.

Tampok sa maagang pagtahak ni Japoy patungong tagumpay ay nang mapabilang na siya sa  MILO BEST Center Program, MILO Taekwondo Clinic hanggang sa magkamit na siya ng gintong medalya sa MILO Little Olympics noong dekada’80 kung saan ay elementary student siya ng Diliman Preparatory School sa Quezon City.

 Patuloy ang pamamayagpag ng batang Lizardo sa National Inter- School at National Age Group na parehong handog ng MILO  hanggang sa sumabak na siya sa ibayong dagat sa unang pagkakataon-Korea Open noong 2000.

 No way but up,kaya nga hanggang sa mas mataas nang bahagdan ng kumpetisyon sa sekundarya (DPS)ay tuloy ang pag-angat ni Lizardo sa larangan ng taekwondo partikular sa mga palaro pa ng MILO sa high school division pati sa international stints na US Open(2001 -2002) at Asian Juniors Championship(2003).

 Isinilang na kampeon, ang pride ng DeLa Salle University na si Lizardo ay tinitingala nang atleta sa Universities Athletic Association(66th – 70th) hanggang mapabilang na siya sa elite national team at nakapaghandog na  ng karangalan sa bansa.

 Nag-ambag si Japoy ng pinaka-makikinang na medalya sa apat na edisyon ng Southeast Asian Games (Manila 2005-Thailand 2007-Laos 2009- Indonesia 2011) at  maging sa Asian Games at World Championships ay pakitang gilas ang Pinoy jin..

Bilang isa sa mga piling modelo ng prestihiyosong MILO Champions, kanya namang naisi- share ang pinagdaanan bago narating ang  pagiging kampeon noong kanyang kabataan hanggang ngayong kahit wala na siya sa aktibong aksiyon ay ipinagmamalaki at tinutularan siya ng mga batang nais na sumunod sa  yapak nito kung kaya si Japoy ay champion sa kanilang puso magpakailanman.

Ngayon ay abala si Lizardo sa pagiging mentor  ng mga potensiyal na kabataang  hinuhubog na kampeon kaagapay ang kanyang taekwondo enthusiast ding maybahay na  si Janice bilang MILO- Philippine Taekwondo Association alumni.

 Tulad ng ibang mga bata, ang kanilang supling na sina Jace at Jevi ay ginigiya rin sa larangan at sa kahit anumang sport na makakahiligan ng mga bata.

  “Don’t force them (kids) to do what they don’t want to do. They will not excel pag pinilit sila. Kami ni Janice, nais namin ay mapataas ang interes ng mga bata sa sport,then they’ll start to aspire to be a champion”, wika ni Japoy na isang tunay na role model para sa aspiring young athletes sa buong kapuluan sa pinakabagong MILO campaign na ‘Mula Noon Hanggang Ngayon’.