IGINIIT ni Naoya Inouie ng Japan na mananatiling siyang sabik na lumaban sa ring matapos maging undisputed world champion sa second weight class noong Martes, nang i-knock out si Marlon Tapales upang masungkit ang lahat ng apat na super-bantamweight belts.
Pinadapa ng unbeaten na si Inoue, kilala bilang “Monster”, ang Philippines boxer sa pamamagitan ng isang malakas na right hand sa 10th round sa Tokyo para idagdag ang WBA at IBF titles sa kanyang pagmamay-ari na WBC at WBO belts.
Siya na ngayon ang second man na naibuslo ang lahat ng apat na world titles sa dalawang magkaibang weight classes, sumunod kay American Terence Crawford.
Kailangan na lamang ni Inoue ng dalawang laban upang maging first-ever undisputed superbantamweight world champion, 12 buwan matapos kompletuhin ang kanyang rampage sa pammagitan ng bantamweight division.
Mayroon ng 26-0 na record ang 30-anyos na boksingero na may 23 KOs at sinabi sisimulan umakyat ng weight class. RON TOLENTINO
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA