January 22, 2025

INNOVATIONS AT VISION PARA SA SUSTAINABLE FUTURE TAMPOK SA 2024 PHILIPPINE TEXTILE CONGRESS


NAGSASAMA-SAMA ang mga lider, scientist at policymaker sa ginanap na 2024 Philippine Textile Congress sa pangunguna ng Department of Science and Technology (DOST) upang talakayin ang mahalagang papel ng innovation sa pagbabago ng industriya at pagpapaunlad sa sustainable development sa bansa.

Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ni DOST Secretary Renato Solidium ang Philippine Textile Research Institute (PTRI) dahil sa kanilang commitment sa pagpapabuti ng textile research at pagpapaunlad ng innovation sa buong sektor.

Pinuri rin niya ang PTRI sa pagbangon sa hamon at paggawa ng mga kahanga-hangang innovations.

Inimbitahan din niya ang mga stakeholders at publiko na sumama sa journey ng bansa sa pagsulong sa textile sector, na nagbibigay-diin sa kahalagahan nito sa pang-araw-araw na pamumuhay at pag-unlad ng ekonomiya.

Binigyang-diin naman ni Sen. Juan Miguel Zubiri, na dumalo sa nasabing event bilang guest of honor, ang mahalagang papel ng research and development (R&D) at science and technology (S&T) sa pagpapaunlad ng bansa.

Nagpahayag din siya ng matibay na suporta sa mga inisyatiba ng DOST, kabilang ang National Science and Technology (NSTW) at robust textile program ng PTRI.



“I believe in Science & Technology,” aniya habang iginigiit nito ang kahalagahan ng mahusay na edukasyon sa agham at teknolohiya para linangin ang mga future experts at innovators at ipinagmamalaki niya na nakakuha ng dagdag na badyet ang DOST upang mapalakas ang kakayahan nito na magbigay ng makabuluhang solusyon para sa mga Filipino.


Samantala, sa kanyang keynote lecture, ibinahagi naman ni Acd. William Padolina ng National Academy of Science and Technology ang PAGTANAW 2025, isang science, technology, and innovation (STI) roadmap na layuning palakasin ang sustainable practices sa lahat ng sektor.

Binigyang-diin niya ang pangangailangan ng pagtanggap ng isang bagong paraan at  simulan ang mga landas tungo sa tunay na pagbabago” habang nanawagan siya para sa isng paradigm shift sa agrikultura ng Pilipinas sa pamamagitan ng paggamit ng biodiversity sa pamamagitan ng plant-animal-microbial system upang palakasin ang productivity at makamit ang precision agriculture.

Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pag-align sa STI initiatives sa local conditions, na sumasalamin sa grassroot approach ng DOST sa pagbabago ng mga komunidad tungo sa pagiging sustainability at progresibo.

Itinampok sa 2024 Philippine Textile Congress ang makabuluhang lectures mula sa mga industry leaders, kabilang sina Dr. Julius L. Leaño Jr., DOST-PTRI Director, na nagsalita patungkol sa “Weaving Inclusive Circular Textile Economy,” at Prof. Darwin Absari ng UP Diliman, na siya naming tumalakay sa “Beauty in Islam.”

Natalakay din ang intersection ng innovation, sustainability, at kultura, at pagpapakita ng collaborative efforts ng Kongreso sa pagsulong ng textile industry at itaguyod ang isang matatag na pundasyon para smarter at mas sustainable na Pilipinas.