November 18, 2024

INMATES PRAYORIDAD SA MODERNIZATION PROGRAM NG BUCOR

Habang patuloy na iniimplemento ang decongestion at ang modernization program, tiniyak ni Bureau of Corrections Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr.  na mananatiling prayoridad ng kawanihan ang kapakanan ng mga napipiit o persons deprived of liberty (PDL).

Ang pahayag ni Catapang ay tugon sa panawagan ni Bicol Saro Partylist Representative Brian Raymund Yamsuan na tiyaking nauuna ang kapakanan ng mga PDL sa harap nang pakikipagtransaksiyon ng bureau o joint ventures sa pribadong sektor upang makalikom ng pondo para sa ahensiya at mga bilanggo.

Bukod sa pagkakataong kumita ang mga PDLs habang pinagsisilbihan ang kanilang sentensiya, sinabi ni Catapang na ang kolaborasyon sa mga ahensiya ng pamahalasn at mga non government agencies ay bahagi ng  reformation upang ihanda ang mga PDL sa kanilang paglaya at muling pakikisalamuha sa komunidad.

Dinagdag din ni Catapang na sa ilalim ng “Bagong Bucor sa Bagong Pilipinas”walang maiiwan at mapababayaan.

Sa ilalim aniya ng Republic Act (RA) No. 10575, mas kilala bilang Bureau of Corrections Act of 2013 na nagtatakda ng  modernization, professionalization and restructuring ng kawanihan ay may kapangyarihan o absolute authority ang  BuCor na i-plano ang paggamit ng mga lupain ng ahensiya at maaari ring magpanukala ng mga karagdagang piitan.