
Nagluluksa ngayon ang pamilya ng isang bata na namatay matapos makuryente nang iwan sa kwarto ng kanyang ama sa Brgy. Alicacao, Cauayan City.
Nabatid na iniwan ng ama ang kanyang anak sa kwarto sa Purok 3, Alicaocao, Cauayan City para kunin ang kanyang mga sinampay.
Pero wala ng buhay ang bata nang datnan niya pagbalik – nakahiga sa sahig at nangingitim ang dulo ng mga daliri.
Hinala ng ama, hinila ng bata ang extension wire na naging sanhi ng kamatayan nito.
Isinugod pa sa malapit na pagamutan ang bata subalit idineklarang dead on arrival.
More Stories
LIBU-LIBONG LAS PIÑEROS, NAGTIPON SA MITING DE AVANCE NG TEAM TROPANG VILLAR!
PASIG SCHOLARSHIP O VOTE-BUYING? Vico Sotto, inireklamo sa Comelec
PASIG CITY HALL PROJECT, SOBRANG MAHAL? Curlee Discaya: ‘Overpriced ang P9.6B, Dapat P2.7B lang’