
Sa kabila ng agresyon ng People’s Republic of China (PRC) sa West Philippine Sea (WPS), hindi nagiging Sinophobia ang mga Filipino at sa halip mabuti ang pagtrato nila sa mga Chinese tourist.
Iito ang naging pahayag ni PCG spokesperson for WPS, Commodore Jay Tarriela, bilang tugon sa travel warning na inilabas ng Chinese Embassy sa Pilipinas para sa mga Chnese national.
“Wala pa naman tayong nabalitaan so far na masasabi nating naging ano na tayo… ‘yung argument nila lagi na what we’re doing can result to Sinophobia. Wala naman tayong Chinese national na masasabing inaway ng ordinaryong Pilipino dahil sa West Philippine Sea, ayon kay Tarriela sa Kapihan sa Manila Bay forum.
Kahit pa nga aniya sa kasagsagan ng pagiging agresibo ng China sa WPS, nanatili aniyang maayos ang pakikitungo ng mga Pilipino sa mga Chinese sa bansa.
Una rito, sa inilabas na travel advisory ng China, pinag-iingat nito ang kanyang mamamayan na nasa Pilipinas na at iba pang planong magtungo sa bansa.
‘Yan ay dahil sa delikado umanong sitwasyon sa Pilipinas.
Giit ni Tarriela, wala siyang nakikitang koneksyon sa dahilan ng nasabing travel advisory kung WPS issue ang magiging basehan.
More Stories
P1.6-M SHABU NAKUMPISKA SA 2 HVI TULAK SA CAVITE
Congressional bet ng 1st District ng Rizal na si JB Pallasigue, karangalan makasama si Honasan
Nagbahay-bahay: Joric Gacula kinapa kailangan ng mga Taytayeño