KUNG pagkumparahin sa panunungkulan sa serbisyong ginawa ng bago at lumang Chairman ng FDCP, mas pabor ako sa serbisyong ginawa ni Liza Diño kumpara sa ngayong nanunungkulan.
Si Liza kasi bisibol sa tao, halos lahat ng event sa Industria ay makikita mo siya. Marami ring projects na nagampanan at talagang naging matagumpay halos lahat ng projects na kanyang nabuo.
Sa pagtulong naman sa mga kapwa niya artista at reporter, wagas ito at bukas ang palad sa lahat.
“Halos luma na iyong isyung pinupukol sa kanya, heto iyong bakit si Ice Sequerra ang lagi niyang kinukuha sa event ng FDCP at binayaran ng 2M for two years service sa nasabing ahensiya?
“Ang totoo hindi lang naman ang husband niya ang kinuha niya, may mga kasamang artistang iba pa. Iyong 2M na talent fee ni Ice, kung tutuusin sa posisyon ni Ice kaya niya iyong kitain ng 1year.
“Kung tutuusin mababang TF for 2 years contract ang 2M, sa capasidad ni Ice malaki rin ang naiambang ni Ice. Kumpara sa ngayon, may parangal na sila pero pumangit naman imahe ng FDCP,” mataray na pahayag ng aking source.
More Stories
BILANG NG SCAM COMPLAINTS NAGING TRIPLE NOONG 2024 – CICC
Wembanyama napili bilang isa sa mga reserve para sa kanyang unang NBA All-Star Game
EX-NCAA BASKETBALL PLAYER TINAMBANGAN PATAY