December 24, 2024

Inihain sa Korte… MARIA RESSA NOT GUILTY!

NAGHAIN ng not guilty si Rappler executive officer (CEO) Maria Ressa ngayong Miyerkules matapos ang nangyaring arraignment kaugnay ng isang kaso na may kinalaman sa tax evasion.

Nangyari ang kanyang arraignment kanina sa Pasig City Regional Trial Court (RTC) Branch 257.

Ang kasong ito ay may kaugnayan sa P294,258.58 value added tax (VAT) na dapat daw niyang bayaran dahil sa pagbebenta ng mga Philippine Depositary Receipt (PDR) noong 2015, ayon sa Rappler.

Pero giit ni Ressa sa Bureau of Internal Revenue (BIR), hindi maaaring buwisan ang pagbebenta ng PDR.

Ika-15 lang ng Mayo nang hatulang nagkasala ng para sa cyberlibel ng Manila RTC Branch 46 si Ressa at dati nilang writer-researcher na si Reynaldo Santos Jr.

Bagama’t may hatol nang anim na taong pagkakakulong sa kanila, maaari pa itong iapela, bagay na kanilang ginawa.

Nag-ugat ang reklamo sa 2017 cyberlibel complaint ng negosyanteng si Wilfredo Keng, matapos siyang iugnay diumano ng artikulo ni Santos sa “human trafficking” at “drug smuggling.” ‘Yan ay kahit na Mayo 2012 pa isinulat ang artikulo.

Karaniwang isang taon lang ang prescriptive period para sa kasong libelo, ngunit napagdesisyunan silang kasuhan sa dahilan ng “republication,” nang i-edit ang artikulo. Isinulat ang storya bago pa man naipasa ang anti-cybercrime law.