January 24, 2025

INGAT SA PEKENG SOLICITATION – PALASYO

NAGBABALA ang Malacañang sa publiko laban sa mga indibdiwal na naghihingi ng solicitation na mga nagpapanggap na opisyal at empleyado ng Office of the President (OP).

 “This is to forewarn the public that some unscrupulous individuals have been posing as officials or employees of the Office of the President, or name-dropping them to make fraudulent schemes to solicit funds from the public,” pahayag ni Executive Secretary Salvador Medialdea  sa isang public notice.

Ayon kay Medialdea, walang sinumang tauhan ng OP ang pinapayagang manghingi ng pera o iba pang mahahalagang bagay mula sa publiko.

“Please report immediately any unauthorized activity to 8888 Citizens’ Complaint Center,” saad niya.

Hindi ito ang unang pagkakataon na ginamit ang OP sa mga modus tulad ng pekeng solicitation.

Ilang beses na ginamit ng mga scammer ang pangalan nina Medialdea at Chief President Legal Counsel Salvador Panelo para sa fraudulent solicitation scheme.

Sa ilalim ng Presidential Decree 46, pinagbabawalan ang mga taga-gobyerno na direkta man o hindi na manghingi ng anumang regalo o anumang uri ng benepisyo.

Sinumang public official o empleyado na mapapatunayang lalabag sa presidential decree ay makukulong ng limang taon, o maaring matanggal sa public office, at maharap sa iba pang kaparusahan.

Sasailalim din ang mga lalabag sa administrative disciplinary action.