ITINANGGI ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang ulat na may utos ang Pangulong Rodrigo Duterte na huwag maglabas ng impormasyon o datos kaugnay sa imbestigasyon sa mga bagong pag-atake sa right defenders at mga aktibisata.
Ito ay matapos ang pahayag ni Commission on Human Rights (CHR) Commissioner Leah Tanodra Armamento na may order ang Pangulong Duterte sa PNP na huwag magbigay ng impormasyon o datos sa CHR kaugnay sa kanilang mga imbestigasyon sa mga pag-atake sa mga aktibista.
Paglilinaw ni PNP Spokesperson Brigadier General Bernard Banac, sumusunod ang PNP sa Rules on Evidence at sa Data Privacy Law para maprotektahan ang mga taong inimbestigahan sa mga crime incidents.
Sinabi pa ni Banac, kapag ang kaso ay naihain na sa prosecutor, wala nang karapatan ang PNP na ibigay ang lahat ng detalye nang kanilang ginagawang imbestigasyon na walang pahintulot ng prosecutor.
Giit ni Banac, maaari naman daw magsagawa ng hiwalay na imbestigasyon ang CHR para makakalap rin nang sarili nilang ebidensya sa mga kaso ng pag-atake sa mga aktibista at right defenders.
More Stories
LEO FRANCIS MARCOS, INATRAS KANDIDATURA
Galvez sa MILF: Magsagawa ng imbestigasyon… 4 PATAY KABILANG ANG 2 SUNDALO, 12 IBA PA SUGATAN SA PANANAMBANG SA BASILAN
CIDG ‘KOLEKTONG ISYU’ MATULDUKAN NA KAYA?