April 16, 2025

INDUSTRIALIST VICTOR LIM BAGONG FFCCCII PREXY

ITINALAGA bilang bagong presidente ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce Industry, Inc. (FFCCCII) ang industrialist at philanthropist na si Victor Lim matapos ang 3 araw na biennial national convention at tatlong rounds ng botohan ng 800 delegado na kumakatawan sa 170 Filipino Chinese business chambers at organizations.

Ginawa ang convention sa SMX Convention Center sa Pasay City.

Papalitan ni Lim si outgoing Presdent Dr. Cecilio K. Pedero, na namuno sa post-pandemic recovery at digitalization initiatives ng FFCCCII mula 2023-2025.

Ang transition ay tanda ng bagong kabanata ng 71 taong gulang na pederasyon, ang pinakamalaking koalisyon ng Filipino Chinese entrepreneurs at philanthropist sa Pilipinas.

Bukod sa progressive business at economic advocacies, pinangunahan ng FFCCCII ang maraming socio-civic at cultural charities.

ISANG SUBOK NA LIDER NA MAY MALALIM NA KARANASAN

– Si Victor Lim ay may apat na dekadang karanasan sa pamumuno sa larangan ng manufacturing, trade at education advocacy.

– President/CEO ng VECO Paper Corporation at Everwealth Traders and Development Corporation 

– Dating EVP ng FFCCCII at dating lider ng multiple industry groups: 

– President: Philippine Stationeries Association, Alliance of Paper Traders Association, Philippine School Pads and Notebooks Manufacturers Association 

– Adviser: Philippine Paper Industry Council 

– Education Advocate: 

– Vice President, St. Stephen’s High School Board of Trustees 

– Past President, St. Stephen’s High School Alumni Association 

– Community Bridge-Builder: 

– Former leader of the Grand Family Association and Philippine Sejo Lim Family Association 


Nakapagtapos ng pag-aaral sa University of Santo Tomas (BS Chemical Engineering) at St. Stephen’s High School, si Victor Lim ay sumasalamin sa motto ng FFCCCII: “Business Excellence with Social Responsibility.”  

Siya rin ang first cousin ng yumaong FFCCCII President Dr. Henry Lim Bon Liong ng Sterling Paper Group.