ARESTADO ang isang babaeng Indonesian na hinihinalang nagpaplano ng isang suicide bomb attack sa Mindanao kasama ang dalawang iba pa sa ginawang pagsalakay sa Jolo, Sulu ngayong Sabado.
Kinilala ng militar ang naturang babae na si Rezky Fantasya Rullie o mas kilala sa tawag na “Cici,” ang biyuda ni Indonesian terrorist Andi Baso na namatay sa naganap na engkwentro sa Sulu noong Agosto, ayon kay Joint Task Force Sulu spokesperson Lieutenant Colonel Ronaldo Mateo.
Kinilala rin ni Mateo ang dalawa pang babae na nadakip na sina Inda Nurhaina, misis ni Abu Sayyaf subleader Ben Tatoo: at Fatima Sandra Jimlani, asawa ng Abu Sayyaf member na si Jahid Jam.
Isinagawa ang raid, bitbit ang search warrant na inilbas ng Regional Trial Court sa Jolo, sa bahay ng pinaniniwalaang pagmamay-ari ni Tatoo.
Naganap ang pag-aresto matapos ang mahigit kumulang dalawang buwan nang pasabugin ng dalawang babaeng suicide bombers ang kanilang sarili, na ikinamatay ng 15 katao at ikinasugat ng 44 iba pa.
Isinisi ang naturang pag-atake noong Agosto 24 sa grupong Abu Sayyaf.
Naniniwala rin si Mateo na si Rullie ay anak ng dalawang suicide bombers na nagsagawa ng pagpapasabog sa Jolo Cathedral na ikinamatay ng 21 katao noong Enero 27, 2019.
Nakumpiska rin sa bahay na kinahulihan kay Rullie ang isang vest na may nakakabit na pipe bombs at iba pang sangkap sa paggagawa ng improvised explosive device.
Kapwa nakakulong ang tatlo sa Criminal Investigation and Detection Unit (CIDG) sa Sulu Police Provincial Office.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA