Pumanaw na si Indonesian boxer Hero Tito matapos ma-comatosed ng ilang araw. Sa kanyang huling laban o rematch sa kababayang si James Mokoginta.
Natalo siya via KO sa round 7 nang tamaan ng uppercut. Mula sa pagkabagsak, hindi na nagkamalay si Tito. Kaya, dinala na ito sa ospital.
Na-coma ito sa tindi ng natamong pinsala. Inilagak ang boxer sa Mitra Keluarga Kelapa Gading Ospital sa Jakarta para maka-recover.
Subalit, sa kasamaang-palad ay tluyan na siyang binawian ng buhay. Idineklara siyang patay noog Huwebes sa oras na 4:45 p.m. Ang matchmaker nitong si Rosa Kusuma na nag-organisa ng kanyang mga laban ang nagpahayag.
Na ang impormasyon ay nakuha niya sa misis ng boxer na si Didin Nurul Wijayanti. Nagpasalamat naman ang asawa ni Tito sa suporta at panalangin ng fans ng boxing sa Indonesia.
“Thank you for all your kindness to us and our family,” ayon sa statement. Ibuburol ang labi ni Tito sa hometown nito sa Malang sa East Java province ng Indonesia.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!