
Biningwit ng Indiana Pacers si ex-Dallas Mavericks mentor Rick Carlisle bilang new head coach.
Pumayag si Carlisle sa 4-year, $29 million deal ayon sa ulat ni Tim McMahon ng ESPN. Ito ang pumalit sa vacant position ni Nate Bjorkgen na sinibak ng Pacers kamakailan.
Nilisan ni Carlisle ang Dallas nitong nakaraang linggo. Gayung may nalalabi pa itong 2-years contract sa kanyang kontrata sa team.
Kung matatandaan, naging coach si Carlisle noon sa Pacers noong 2003-2007.
Kung saan, iginiya niya ang Indiana sa tatlong playoffs sa loob ng apat na taon. Siya’y veteran coach na nagwagi ng 2011 championship ring sa Mavericks.
Mayroon siyang record na 836 win at 689 losses o may 54.8 winning percentage.
More Stories
UAAP: ATENEO TINALO ANG DATING UNDEFEATED NA UP MAROONS
Pinoy vs Mexicano-Pinoy vs Nigerian… DOUBLEHEADER SA PHL ENCUENTRO C’SHIP SA MAKATI CITY
Del Rosario muling nagwagi ng korona sa WNCAA taekwondo