BINALAAN ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio si Vice President Leni Robredo sa pagkokomento nito kaugnay sa paglobo ng bilang ng COVID-19 cases sa Mindanao urban hub na ikinababahala ng huli.
Ayon sa nakatatandang anak na babae ni Pangulong Rodrigo Duterte na huwag nang magbigay ng payo kung wala naman itong alam sa nangyayari sa kanilang lugar.
“This has been the hallmark of her term as VP, where she puts forth comments on matters and affairs she lacks understanding and knowledge on and does not offer anything helpful to solve a problem,” saad ni Duterte-Carpio said sa isang pahayag.
Inilabas ni Duterte-Carpio ang pahayag isang araw matapos mabanggit ang pangalan ni Robredo sa isang ulat sa Manila Bulletin na mababasang dapat matuto ang Davao City sa COVID-19 containment strategy ng Cebu City.
Inakusahan ni Duterte-Carpio ang pinuno ng oposisyon na namumulitika.
“The VP should avoid involving the COVID-19 surge in Davao City in her attempt at politicking. There will be a proper time to attack my performance as an LCE (local chief executive) in this pandemic if she dares to run for President,” ani ni Duterte-Carpio.
Itinanggi naman ng kampo ni Robredo na hindi ito pamumulitika, bagkus nais lamang makatulong ng vice president.
“Si VP ang pilit hinahatak sa usapin ng pamumulitika habang ang buong focus niya nasa pagtulong,” pahayag ni Robredo’s spokesperson Barry Gutierrez.
“Ever since ginagawa na ni VP ito. Tulong lang. Game si VP na gawin din ito sa Davao— unless pulitikahin na naman siya,” dagdag niya.
Matunog ang mga pangalan nina Duterte-Carpio at Robredo na posibleng tumakbo sa pagka-presidente sa 2022 national elections.
More Stories
DIGONG TATAYONG ABOGADO NI VP SARA VS IMPEACHMENT
Christmas holiday: BI nagtala ng halos 190,000 na mga biyahero sa mga paliparan
Sharks Billiards Association inaugural season… TAGUIG STALLIONS ANG KAMPEON