DAVAO CITY – Sa kabila ng mga sunod-sunod na meeting at pagkaka-abala sa ibang gawain, patuloy pa rin si Davao City Mayor Sara Duterte sa pagtatrabaho.
Kahapon, dumalo ito sa pagbubukas ng Marilog Hospital, ang unang hospital sa ilalim ng City Health Office ng Davao City.
“Napaka-mabuluhan nito dahil ito po ang una bukod po sa dito naming naitayo sa Marilog District kung saang isang Geographically Isolated and Disadvantaged Area (GIDA),” pagbibida ng alkalde na anak ng Presidente Rodrigo Roa Duterte.
“Dito po ninyo makikita na kapag meron pagkakaisa sa mga kelangan dapat gawin ito ay magbubunga ng maganda para sa siyudad. Pagod, hirap at puyat po ito ng mga Dabawenyong doctor, nurses, medtech, pharmacists, assistants at personnel, saludo po kami sa inyong lahat,” dagdag na pahag nito.
Si Mayor Inday Sara Duterte ay nag-file kamakailan ng kanyang certificate of candidacy (COC) bilang Bise Presidente ng bansa, na ayon sa marami ay tiyak na madali lang makakamit ng alkalde dahil sa tiwala ang taong bayan dito.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA