MAHIGIT dalawang taon na ang nakalilipas nang iendorso ng Iglesia ni Cristo (INC) ang tandem nina Ferdinand Marcos Jr at Sara Duterte, na parehong nanalo bilang pinakamataas na lider sa bansa.
Papapano na kaya posisyon ngayon ng INC sa nangyayaring hidwaan nina Marcos at Duterte?
Ang INC ay nagpapakita ng pagiging maingat sa kanilang pahayag tungkol sa alitang pulitika.
Sa report ng NET25 na pag-aari ng INC, inanunsiyo nito na inihahanda na nila ang isang “peaceful protest” para suportahan, uhm… sina Marcos at Duterte?
“The Iglesia ni Cristo is now preparing for a peaceful protest to support the opinion of President Marcos Jr. that opposes an impeachment case against Vice President Sara Duterte,” sa report ni Alex Santos?
“The Iglesia ni Cristo stands for peace and does not agree with any kind of chaos that will come from any side,” dagdag ng anchor.
Nitong nakarang dalawang buwan, kapwa nililigawan nina Marcos at Duterte ang suporta ng executive minister ng INC na si Eduardo Manalo.
Noong Oktubre 1, binisita ng Vice President si Manalo sa IN Central Office upang pasalamatan ang sambahan para sa kanilang humanitarian efforts, lalo nooong panahon ng kalamidad.
Noong Oktubre 10 naman, binisita ng kanyang tatay na si dating Pangulong Rodrigo Duterte si Manalo kasama ang kanyang longtime aide na si Senator Bong Go, nagpasalamat din sa pagtulong sa mga nangangailangan. Noong Oktubre 29, si Marcos naman ang bumisita kay Manalo bitbit sina First Lady Liza-Araneta-Marcos at kanilang anak na si Ilocos Norte 1st District Representative Sandro Marcos. Ito’y dalaawang araw bago ang 69th birthday ni Manalo noong Okubtre 31.
Isang araw matapos ang pagbista, naglabas si Marcos ng public statement para batiin si Manalo sa kanyang kaarawan.
“Our gratitude and admiration for your dedication to leadership and guidance in the Iglesia ni Cristo.”
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA