Sa wakas, ipinakilala na ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) ang kabilang sa inasembol na national teams. Na ikung saan ay sasbaak sa Asian Women’s Volleyball Championship (AVC) sa Nakhon Ratchisima, Thailand. Ang torneo ay idaraos sa October 1 hanggang 7.
Dalawang women’s team ang binuo. Una ang Team Rebisco na titimunan ni consultant-coach Jorge Edson Souza de Brito. Si Odjie Mamon naman ang magiging mentor ng Choco Mucho.
Kabilang sa Team Rebisco sina Eya Laure, Faith Nisperos, Mhicaela Belen, Jema Galanza, Dindin Santiago Manabat, Rhea Dimaculangan, Bernadette Pepito, Kamille Cal, Jennifer Nierva , Imee Hernandez, Ivy Lacsina at Aby Maraño bilang team captain.
Babandera naman sa Team Choco Mucho sina Tin Tiamzon, Mylene Paat, Ria Meneses, Dell Palomata, Deanna Wong, Major Baron, Dawn Macandili, MJ Philips, Kalei Mau, Kat Tolentino at Iris Tolenada bilang team captain.
More Stories
BACK -TO-BACĶ ÙAAP MEN’S BASEBALL TITLE PUNTIRYA NG NU BULLDOGS
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na