Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isinagawang pagpapasinaya ng P1-billion 51-bed capacity Presidential Security Group (PSG) Station Hospital sa Malacañanang Park. Ang pagpapatayo ng nasabing ospital ay pinondohan ng ng Melco. Resorts (Philippines) Foundation Corporation. Na siyang charitable arm ng City of Dreams Manila, na isang casino lisencee.
Pinangunahan ni Pangulong Duterte (ikalawa mula sa kaliwa) ang pagbubukas ng PSC Station Hospital marker na tanda ng formal turnover at completion ng 51-bed medical facility. Kasama rin sa larawan sina (mula sa kaliwa) Department of Health Secretary Francisco Duque III, PSG Commander Randolph Cabangbang, PAGCOR Chairman at CEO Andrea Domingo at Melco Resorts (Philippines) Foundation Vice President Armin Racquel Santos.
Pinapurihan naman ni PAGCOR Chairman at CEO Andrea Domingo ang inagurasyon ng bagong PSG Station Hospital sa Malacañang Park. Kung saan, ginarantiya ng state-running gaming firm ang P89.24-million para sa pagbili ng ilang medical equipment at mga suplay upang magamit ng ospital.
Kabilang sa mga dumalo at naging saksi sa ginawang inagurasyon ng PSG Station Hospital sina ( mula sa kaliwa): Senator Christopher Lawrence Go, DOH Secretary Francisco Duque III, Executive Secretary Salvador Medialdea, President Rodrigo Duterte, PSG Commander Col. Randolph Cabangbang, MRP Foundation Vice President Armin Raquel Santos at PAGCOR Chairman at CEO Andrea Domingo.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY