
PINANGUNAHAN ni Pasig City Mayor Vico Sotto kasama sina Cong. Roman Romulo at Kap. Evelyn Tuaño ang inagurasyon ng bagong terminal sa Barangay Buting sa nasabing siyudad.
Ayon kay Sotto, bagama’t naantala dahil sa COVID-19 pandemic natapos pa rin ang naturang proyekto upang hindi na problemahin pa ng mga tricycle driver ng TODA kung saan sila magsasakay at magbababa ng kanilang pasahero.


Saad pa niya na malaking bagay ang bagong terminal para hindi na gaano pang mahirapan ang lokal na pamahalaan sa kanilang road clearing operation.
Nagpapasalamat naman ang mga BSJ drivers at operators, gayundin ang mga mananakay, manininda at mamimili kay Sotto dahil sa proyektong ito na malaking tulong para sa kanila.
More Stories
Akbayan Nangunguna sa Party-List Race ng Halalan 2025
VICO SOTTO, LANDSIDE NA NAMAN SA PASIG (Mahigit 390K na boto, lamang na lamang sa mga katunggali)
GO, AQUINO, DELA ROSA NANGUNGUNA SA SENATORIAL RACE — PARTIAL RESULTS NG COMELEC