
Umabot na sa 92 percent ang natapos nang maimprenta na balota ng Commission on Elections (Comelec) na gagamitin para sa Mayo 12 National and Local Elections (NLE), at aabot na lang sa anim namilyon ang kailangang tapusin.
Ayon kay Comelec chairman George Erwin Garcia, ito ay katumbas ng nasa 61 milyon hanggang 62 milyong balota na natapos nang maimprenta.
Sa naturang bilang 37 milyong balota ang natapos nang berepikahin.
“Nasa 92 percent na po kami. Almost 6 million na lang ang kailangan imprenta. Verified sa kasalukuyan ay nasa 36 to 37 million na balota. Technically maayos naman,” anang Garcia.
Dagdag pa ni Garcia, kailangan nilang bilisan ang proseso ng pagberipika sa mga balota kaya’t sa sandaling matapos nila ang ballot printing ay gagamitin naman nila ang mga tauhan para sa ballot verification.
Saad ng poll chief, “On the average, kailangan makapag-verify tayo ng 1.2 million balota on a single day para makaabot kami sa self-imposed deadline para sa distribution ng balota.”
Matatandaang una nang sinabi ni Garcia na umaasa silang matatapos ang ballot printing hanggang Marso 19, na mas maaga sa itinakda nilang deadline na Abril 14. (ARSENIO TAN)
More Stories
MEKANIKO TINANIMAN NG TINGGA SA ULO
PATAY NA SANGGOL INIWAN SA CR NG MANILA DOCTORS HOSPITAL
INAWAY NG SYOTA NA ‘TIBO’ DAHIL SA PERA, BEBOT NAGPATIWAKAL